Logo
FEATURED

RESPONDE, MATA NG MAMAMAYAN, ISANG TAON NA!

Published Nov 18, 2022 04:31 PM by: NET25 News

RESPONDE, MATA NG MAMAMAYAN, ISANG TAON NA!

Sa patuloy na pagsasahimpapawid ng programang "Responde, Mata Ng Mamamayan" sa telebisyon at radyo, tuloy-tuloy rin ang programa sa kanilang ginagawang pagtulong sa mga kababayan nating higit na nangangailangan. Ang Responde, Mata Ng Mamamayan, ang public service program ng NET25. Ayon sa host ng programa na si Alex Santos, ang layunin ng programa, ang makapagbigay ng serbisyo publiko nang walang hinihinging kapalit meron o walang nakakakita. Ibinahagi rin ni Santos ang ilang mga kuwento ng ating mga kababayan na kanilang nirespondehan na umantig sa kaniyang puso. Kaya naman sa pagsapit ng programa sa kanilang unang anibersaryo, bukod sa paggunita sa ilang mga natatanging pagtulong ng programa, hatid ng "Responde" ang ginawa nitong pag-ayuda sa pamamagitan ng isang medical mission sa isla sa Cardona sa probinsya ng Rizal. Pagbibigay ngiti sa mga skapus-palad na bata at mga inabandona ng kanilang mahal sa buhay ang kanilang hinatiran ng tulong sa pamamagitan ng isang malaking community service. Nagpahatid naman ng pasasalamat si Santos sa lahat ng mga tumatangkilik ng kanilang programa. Gayundin sa pamunuan ng NET25 dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya upang pangunahan ang isang public service program. Mas marami pang totoong istorya ng kabayanihan, katatagan, pagmamahal at pag-responde sa kapwa ang uusbong sa ikalawang taon na paghahatid ng mga tatak certified e-responder Patuloy na mapapanuod ang "Responde; Mata ng Mamamayan" tuwing Sabado, ala-sais ng gabi.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News