Logo
FEATURED

BAGONG COVID-19 WAVE POSIBLE -OCTA

Published Nov 24, 2022 04:06 PM by: NET25 News

BAGONG COVID-19 WAVE POSIBLE   -OCTA

Posible umanong magkaroon ng panibagong wave ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ito ay makaraang tumaas ang positivity rate nito sa 9.2% sa nakalipas na linggo. Ipinakita ni Dr. Guido David, OCTA fellow, ang datos sa 9.2% pagtaas sa positivity rate na naitala nitong Nobyembre 22 ay mas mataas sa 7.4% noong Nobyembre 15. Binanggit pa nito na ang tumataas na positivity rate ay indikasyon na mayroong "surge o mini surge" ng impeksyon sa Metro Manila. “Hindi pa natin masasabi ngayon kung ano ang dahilan talaga kasi na-observe pa lang natin itong uptick. Titignan pa natin kung magtutuloy-tuloy ito. Pero sa ibang areas, hindi naman tumataas pa. Although may mga areas na tumaas [ang positivity rate],” paliwanag niya. Sa datos ng Department of Health nitong Miyerkules, ang NCR pa rin ang may pinakamataas na naitalang bgong kaso sa 3,382, kasunod ang Calabarzon na may 1,973, at ikatlo ang Western Visayas na may 1,444 kaso.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News