Logo
FEATURED

BICAM MEETING PARA SA 2023 NATIONAL BUDGET, SISIMULAN BUKAS

Published Nov 24, 2022 04:40 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

BICAM MEETING PARA SA 2023 NATIONAL BUDGET, SISIMULAN BUKAS

Sisimulan na bukas, Nobyembre 25, ang bicameral conference committee meeting para sa 2023 national budget na nagkakahalaga ng P5.268 trilyon. Ang bicameral conference committee meeting ay magsisimula alas-10:00 ng umaga sa Manila Polo Club sa Makati City. Ire-reconcile ng bicam panel ang mga disagreeing provision sa ipinasang bersyon ng Senado at Kamara. Ang Senate bicam panel ay pangungunahan ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, habang ang mga senior vice chair ay sina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda at Imee Marcos. Ang mga vice chair naman ay sina Senators Cynthia Villar, Ronald "Bato" Dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Christopher "Bong" Go, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Francis Tolentino, Mark Villar, at JV Ejercito. Habang ang mga miyembro ay sina Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, at Jinggoy Estrada. Samantala, bagama't bumoto ng "yes" para sa approval ng 2023 national budget si Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III, nagpahayag ito ng reservation. Sinabi ni Pimentel na hindi accurate ang presentation ng budget dahil meron aniya itong P588 billion na unprogrammed appropriations at ang aktuwal na increase nito ay 11 percent at hindi 4 percent. Dagdag pa ng mambabatas, mayroon ding mga lump sum allotments sa 2023 budget tulad ng confidential at intelligence funds. Gayunpaman, sinabi ni Pimentel na may mga magagandang nakapaloob sa 2023 budget kaya bumoto siya para sa approval nito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News