Logo
FEATURED

ANGARA: 2023 BUDGET, TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG MAMAMAYAN

Published Nov 24, 2022 04:43 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

ANGARA: 2023 BUDGET, TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG MAMAMAYAN

Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na ang 2023 national budget ay tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ngayong post-pandemic. Ayon kay Angara, ang 2023 budget ay susuporta sa layuning tiyakin ang food security, muling pagbuhay sa sektor ng edukasyon, at paghahanda ng bansa mula sa epekto ng climate change. Inihayag ito ng mambabatas matapos aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 2023 General Appropriations Bill na naglalaman ng P5.268 trilyon. Ilan sa mga naaprubahang amyenda sa Senate version ay ang realignment ng P172 million confidential fund ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Kabilang din ang pagpopondo para sa batas na magbibigay ng P1,000 social pension sa mga indigent senior citizen; pagpapataas sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund sa P31 billion mula P20 billion; paglalaan ng pondong P820 billion mula sa National Tax Allotment na ipapamahagi sa mga lokal na pamahalaan. Samantala, ang bicameral conference committee meeting ay magsisimula na bukas, Nobyembre 25, upang pagtugmain ang mga disagreeing provisions ng Senado at ng Kamara. Ang bicameral conference committee meeting ay magsisimula alas-10:00 ng umaga sa Manila Polo Club sa Makati City.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News