Logo
FEATURED

DOH TINIYAK NA IBINIBIGAY ANG BENEPISYO AT ALLOWANCES NG HEALTH CARE WORKERS

Published Nov 24, 2022 04:51 PM by: NET25 News

DOH TINIYAK NA IBINIBIGAY ANG BENEPISYO AT ALLOWANCES NG HEALTH CARE WORKERS

Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) na ibinibigay nila ang mga benepisyo at allowances diretso sa mga state health care workers (HCW) at sa pribadong sektor. Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang pondo na inilabas kamakailan ng Department of Budget and Management (DBM) ay naipamahagi na sa Centers for Health Development. Ayon sa DOH, naipamahagi na sa mga health workers sa pampublikong sektor ang humigit-kumulang 90% ng mga allowances habang ang 40% ng pondo ay naibigay sa mga pribadong health workers. Paalala ng DOH, kailangang makipag-ugnayan ang public at private hospitals at pasilidad sa DOH regional offices at sumunod sa kumpletong rekisitos na itinakda ng Commission on Audit (COA) upang hindi maantala ang paglabas ng Health Emergency Allowances (HEA). Hinikayat din ng DOH ang lahat ng health facilities na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Centers for Health Development sa pagsusumite ng kinakailangang dokumento upang matiyak ang napapanahong paglabas ng HEA sa mga karapat-dapat na HCWs at non-HCWs. Ang inilabas na pahayag ng DOH ay matapos muling magsagawa ng kilos protesta ang mga health workers sa harap ng tanggapan ng Kagawaran Huwebes ng umaga kung saan kinalampag ang gobyerno sa hindi pa naibibigay na mga benepisyo tulad ng HEA.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News