Logo
FEATURED

PBBM, NANGAKONG GAGAMITIN ANG PONDO NG GOBYERNO PARA SA MGA PILIPINO

Published Dec 08, 2022 12:59 PM by: NET25 News | 📷: OPS

PBBM, NANGAKONG GAGAMITIN ANG PONDO NG GOBYERNO PARA SA MGA PILIPINO

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pera ng gobyerno ay gagamitin sa mga programa at proyektong pakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino. Sinabi ito ng Pangulo sa presentasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Philippine banknotes na may lagda nito at bagong coin series na may BSP logo sa Malakanyang noong Miyerkules. “Be assured that it is the policy of this administration, to ensure that every peso and every centavo that the government spends in its programs and projects will be to the benefit of all Filipinos,” sinabi ni Marcos. “So I convey my full support to all of our BSP officials and their employees. I also have complete confidence in your capability, competence, and integrity,” dagdag ng Pangulo. Nanawagan din ang Pangulo sa BSP at iba pang concerned agencies na lalo pang paigtingin ang kanilang pagsisikap laban sa counterfeiting at iba pang illegal activities, tiyakin ang price stability, pagyamanin ang banking reforms, at paghusayin ang estratehiya upang matiyak na ang public interest ay nananatiling prayoridad ng gobyerno. Hinikayat din ni Marcos ang mga ahensya ng gobyerno at ang mamamayang Pilipino "to innovate and come up with sustainable and smart solutions that will uplift lives and lessen the burden on the people." Hiniling din ng Pangulo ang pagkakaisa upang mapabuti ang kaligtasan at kahusayan ng Philippine financial system at gawin itong "instrument of progress," na mapakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino. Ayon sa Pangulo, ang pagpapalabas ng bagong polymer banknote ay “smarter, cleaner, stronger,” na aniya "serves as a response to the pressing public health and safety concerns due to the pandemic." "It also promotes environmental sustainability and celebrates the country’s rich natural and national heritage," ani Marcos. Ang bagong bank notes ay "more durable, hygienic and cost-effective and have distinct designs and security features consistent with the principles of currency integrity, social relevance, efficiency, aesthetics, as well as having a unified theme."

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News