VP DUTERTE, PINAYUHAN ANG MGA HIGH SCHOOLERS TUNGKOL SA LOVELIFE
Published Dec 08, 2022 01:01 PM by: NET25 News | 📷: INDAY SARA DUTERTE FB
"Hindi kailangan ng pag-ibig para maging masaya sa buhay." Ito ang naging payo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga high school students sa general rehearsal ng Italian opera na "Turandot" sa Cultural Center of the Philippines (CCP). “Laging sinasabi ng mga matatanda that there are other fishes in the ocean. ‘Yan ang laging sinasabi nila. Pero ang sasabihin ko sa inyo, hindi nyo kailangan ng pag-ibig para maging masaya sa buhay niyo,” ani Duterte. Pinayuhan din ng Bise Presidente ang mga estudyante na magtapos muna ng pag-aaral. “Lalong-lalo na, hindi niyo kailangan magpakamatay dahil sa kayo ay hindi nagustuhan nung inyong mga napupusuan,” dagdag pa nito. Ang Giacomo Puccini's Turandot ay isang kuwento ng pag-ibig. Ayon kay Vice President Duterte, maraming estudyante ang makaka-relate sa kuwentong ito dahil karamihan aniya sa mga ito ay nagsisimula pa lamang pumapag-ibig.
Latest News