Logo
FEATURED

2 DAYUHAN IDEDEPORT NG BI

Published Dec 08, 2022 01:06 PM by: NET25 News | 📷: BUREAU OF IMMIGRATION, REPUBLIC OF THE PHILIPPINES FB

2 DAYUHAN IDEDEPORT NG BI

Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) na ideport ang dalawang foreign nationals na inaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig at Bulacan dahil sa paglabag sa immigration laws Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. naaresto si Benjamin Akomeah, 38, sa condominium building sa Pasig City noong Nobyembre 9. Mayroon itong summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners dahil sa pagiging undesirable alien. Nang inspeksyunin, nalaman na undocumented matapos mabigong magpakita ng pasaporte at anumang immigration document. Naaresto rin ang 72 anyos na American national na si John Randall Wilson sa San Jose Del Monte Bulacan noong Nobyembre 14. Nadiskubre na si Wilson ay overstaying sa bansa at walang naipakita na mga dokumento at lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940. Si Wilson ay sangkot sa pagpapakalat ng mga video ng mga kabataan sa social media at websites.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News