3 GINTONG MEDALYA PARA KAY HIDILYN DIAZ SA WORLD WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIP
Published Dec 08, 2022 01:48 PM by: NET25 News | 📷: AFP
Muli na namang nag-uwi ng gintong medalya ang Tokyo Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz. Sa katatapos lang na World Weightlifting Championship, nakuha ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya mula sa 55-kilogram division women’s division sa Bogota Colombia. Tinalo ni Diaz ang pambato ng Colombia na si Rosalba Morales at Ana Gabriela Lopez ng Mexico. 93kg ang bigat na binuhat ni Diaz na nagpanalo ng kaniyang unang gintong medalya. Sinubukan niyang buhatin ang 117kg at 121kg ngunit nabigo ang manlalaro na si Hidilyn. Si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Filipina weightlifter na makakuha ng gold medal sa Olympics.
Latest News