XI JINPING, DUMATING NA SA SAUDI ARABIA
Published Dec 08, 2022 02:06 PM by: NET25 News | 📷: WIKIPEDIA.ORG
Dumating na sa Saudi Arabia si Chinese President Xi Jinping para sa kaniyang 3-day visit. Sinalubong si Xi ni Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan at Riyadh Governor Prince Faisal bin Bandar. Isa sa nakalatag na pag-uusapan ng dalawang bansa ay ang pagtutulungan ng Tsina at Saudi ukol sa enerhiya. Ilan sa makakapulong ni Xi ang ilan sa mga Arab leader ng bansa. Ang China ang nangungunang customer ng langis mula sa Saudi Arabia, ang nangungunang exporter ng krudo sa buong mundo. Ang dalawang bansa ay masigasig na palawakin ang kanilang relasyon sa ekonomiya at geopolitical realignment. Ang pagdating ni Xi JinPing ay kasabay ng tumaas na tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Estados Unidos dahil sa mga isyu mula sa patakaran sa enerhiya hanggang sa panrehiyong seguridad at karapatang pantao.
Latest News