Logo
FEATURED

OUTBREAK NG HFMD, MAAARING IDEKLARA -EXPERT

Published Dec 08, 2022 04:14 PM by: NET25 News

OUTBREAK NG HFMD, MAAARING IDEKLARA    -EXPERT

Maaaring magdeklara ng outbreak ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) kung mas maraming rehiyon sa bansa ang makapagtatala ng pagtaas ng kaso. Ito ang inihayag ni Dr. Rontgene Solante kasabay nang pagsasabing nagsimula ang impeksyon ng HFMD noong Oktubre sa San Pascual, Batangas kung saan mayroong 105 kaso ang natukoy, na karamihan ay sa mga bata na may edad isa hanggang 16 na taong gulang. Noon namang Nobyembre, humigit-kumulang 540 kaso ng HFMD ay natukoy sa Albay, na nakakaapekto sa mga bata mula isa hanggang 10 taong gulang. Sa parehong buwan, 145 na kaso rin ang naitala sa Ilocos Region, karamihan ay mga batang may edad apat hanggang siyam na taong gulang. Sa National Capital Region (NCR), nakapagtala rin nang 155 HFMD cases mula Oktubre hanggang nitong Disyembre 6, at karamihan ay nasa 11 taong gulang pababa. Sinabi pa ni Solante na sa kasalukuyang bilang ng mga kaso masasabing bahagyang kalat na ang hand, foot, and mouth disease. Nauna ng sinabi nang Department of Health (DOH) nitong Martes na tumataas ang mga kaso ng HFMD sa Metro Manila, ngunit wala pang deklarasyon ng outbreak para sa naturang sakit. Sa kasalukuyan ang 155 kaso ng HFMD sa NCR ay hindi pa dahilan para magdeklara ng outbreak, ayon kay Solante. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang HFMD ay isang karaniwang nakakahawang sakit na kadalasang nakakaapekto sa mga bata. Kasama sa mga karaniwang sintomas nito ang lagnat, masakit na mga sugat sa bibig, at isang pantal na may mga paltos sa mga kamay, paa at puwet.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News