Logo
FEATURED

KRIMEN MULA HULYO HANGGANG SETYEMBRE, BUMABA NG 72%

Published Dec 08, 2022 04:28 PM by: NET25 News | 📷: DILG PHILIPPINES FB

KRIMEN MULA HULYO HANGGANG SETYEMBRE, BUMABA NG 72%

Bumaba sa 72% ang krimen mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30. Ito ang inihayag kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. kasabay sa pagtiyak na patuloy silang gumagawa ng mga pamamaraan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. “Patuloy din ang ating pagpupursigi upang mapanatili ang peace and order sa ating bansa kaya nakakuha tayo ng 72.33% overall decrease in the number of crimes such as murder, rape, robbery and carnapping committed from July 1 to September 30,” ayon kay Abalos. Samantala, sinabi rin ng kalihim na ipagpapatuloy ng DILG ang laban sa ilegal na droga ng pamahalaan. Idinagdag pa ng Kalihim na ang naturang bisyon ay gagawin nilang reyalidad, sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na kampanyang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Ayon kay Abalos, mayroon nang 25,000 indibidwal na nagpahayag ng kanilang suporta sa BIDA sa isinagawang grand launch nito sa Quezon City kamakailan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News