AIR TRAFFIC SYSTEM SA NAIA, 'PARTIALLY RESTORED' NA
Published Jan 02, 2023 10:00 PM by: NET25 News | 📷: MEANNE CORVERA
“Partially restored” na ang air traffic system sa Ninoy Aquino International Airport. Ito ang inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos maparalisa ang flight operations sa bansa sa unang araw ng 2023. Pasado alas-4 na ng hapon kahapon, Enero 1, nai-restore ang ilang flight operations kung saan unang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang Philippine Airlines flight PR222 mula sa Brisbane, Australia. Unang umalis naman ang Cathay Pacific flight CX 930 mula sa Terminal 3 patungong Hong Kong. Halos mahigit-kumulang 56,000 pasahero ang naapektuhan ng pagkansela ng international at domestic flight. Umabot naman sa 282 domestic at international flights ng Ninoy Aquino International Airport ang apektado. 268 ang nakansela, 7 flights ang na-divert at 7 naman ang delayed. Kabilang sa apektado ang 53 domestic flights ng Cebu Pacific at 18 domestic flights ng Philippine Airlines. Ayon sa Civil Aviation of the Philippines (CAAP), dulot ito ng technical issue sa kanilang air navigation facilities. Kahapon ng alas-9:50 ng umaga na-detect ang technical issue dahil ng pag-antala ng mga biyahe palabas at papasok ng bansa. Agad naman humingi ng paumanhin ang pamunuan ng CAAP at tinutugunan agad ang isyu. Naglabas ng advisory ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaninang alas-7 ng umaga hinggil sa mga kanseladong flight para ngayong araw January 2, 2023. CEBU PACIFIC (5J) International • 5J 845 Manila-Dubai • 5J 760 Jakarta-Manila • 5J 502 Kula Lumpur-Manila • 5J 804 Singapore-Manila Domestic • 5J 885 Manila-Cotabato • 5J 504 Manila-Tuguegarao • 5J 891 Manila-Caticlan • 5J 625 Manila-Puerto Princesa • 5J 6055 Caticlan-Manila • 5J 447 Manila-Iloilo • 5J 381 Manila-Cagayan de Oro • 5J 473 Manila-Bacolod • 5J 963 Manila-Davao • 5J 785 Manila-Butuan • 5J 627 Manila-Dumaguete • 5J 451/452 Manila-Iloilo-Manila • 5J 383/384 Manila-Cagayan de Oro-Manila • 5J 561/562 Manila-Cebu-Manila • 5J 567/568 Manila-Cebu-Manila • 5J 619/620 Manila-Tagbilaran-Manila • 5J 373/374 Manila-Roxas-Manila • 5J 325/326 Manila-Legazpi-Manila • 5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila • 5J 655/656 Manila-Tacloban-Manila • 5J 703/704 Manila-Dipolog-Manila • 5J 895/896 Manila-Caticlan-Manila • 5J 951/952 Manila-Davao-Manila • 5J 485/486 Manila-Bacolod-Manila CEBGO (DG) • DG 6113/6114 Manila-Naga-Manila Sinabi naman ng pamunuan ng MIAA na asahan babalik sa full recovery ang flight sa loob ng tatlong araw.
Latest News