Logo
FEATURED

OUTING NG PAMILYA SA AKLAN NAUWI SA ISANG TRAHEDYA

Published Jan 03, 2023 02:36 PM by: LADS VENTURA

PLAY

OUTING NG PAMILYA SA AKLAN NAUWI SA ISANG TRAHEDYA

Isang trahedya ang kinalabasan ng sana’y outing ng pamiyal matapos maaksidente ang sinasakyan nilang Elf truck sa Barangay Nagustan Nabas, Aklan. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Nabas PNP, nasa 27 katao ang sakay ng nasabing truck, dalawa ang kumpirmadong namatay habang nasa 20 katao naman ang sugatan. Kabilang sa namatay ang 2 taong gulang na babae at isang 19-anyos na dalaga na idineklarang dead on arrival sa Ibajay District Hospital. Ayon sa driver na si Raul Buiza, papunta sana sila sa Malumpati Pandan, Antique subalit pagdating sa boundary ng Aklan at Pandan Antique ay naharang sila sa checkpoint at hindi sila pinayagan na makapasok dahil sa dala nilang karne ng baboy. Nananatiling nakataas ang ASF warning sa nasabing barangay. Kung kaya’t nagpasya na lang ang pamilya na huwag nang tumuloy, subalit sa kanilang biyahe pabalik aksidenteng pumutok ang gulong ng truck dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at tumilapon ang mga sakay nito na nagdulot ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Sa ngayon ay kasalukuyang naka-confine sa Mission Hospital ang driver habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News