70% NG POPULASYON NG SHANGHAI AY MAY COVID
Published Jan 04, 2023 11:01 AM by: NET25 News | 📷: AFP
Halos nasa 70% na ng populasyon ng Shanghai sa bansang China ay nahawa sa virus ng Covid-19. Ito ang ibinahagi ng isang kilalang doctor sa Shanghai, kaugnay pa rin ng matinding Covid surge sa kanilang bansa. Ang lubhang pagtaas ng mga nahahawa sa virus ay nangyari pagkatapos ng dagliang pagluluwag sa health protocols noong nakaraang buwan na naging sanhi ng pag-apaw ng hospital beds at paglobo ng mga namamatay at dinadala sa mga crematorium. Sinabi ni Chen Erzhen, member ng Shanghai’s Covid-19 expert advisory panel na nasa 25 milyong katao sa eastern City ng bansa ay may Covid-19. Now the spread of the epidemic in Shanghai is very wide, and it may have reached 70 percent of the population, which is 20 to 30 times more than [in April and May]," pahayag ni Erzhen. Matatandaang halos dalawang buwan na naka-lockdown ang China noong Abril 2022 kung saan mahigit 600,000 residente ang nahawa sa virus at marami ang dinala sa mga mass quarantine center. Pero sa ngayon ay kumakalat na ang Omicron variant sa buong Shanghai. Ayon pa sa health experts, maging sa mga lungsod ng Beijing, Tianjin, Chongqing at Guangzhou, ang bilang ng mga nagkakasakit ay tumataas na rin. Dagdag pa rito, ang Zhejiang, probinsya sa China, halos nasa isang milyong na ang nahawa sa virus. 1,600 pasyente ang dinadala kada araw sa isang ospital sa nasabing probinsya. Samantala, naghahanda naman ang mga awtoridad para sa isang virus wave na tatami sa rural China. Sinabi ni Jiao Yahui, miyembro ng National Health Commission, na magiging “enormous challenge” sa kanila ang pagdagsa ng mga Chinese sa darating na January 21 para sa kanilang Lunar New Year. Nakapagtala ang China ng 22 nasawi dahil sa Covid-19 mula noong Disyembre 2022.
Latest News