ZAMBOANGA CITY BINAHA; MGA PASOK SA PAARALAN SINUSPINDE
Published Jan 11, 2023 01:21 PM by: ELY DUMABOC
Mula sa Tumaga river na nasa sentro ng Zamboanga City, umapaw ang tubig sa ilog kung kaya’t umabot ito sa mga bahay na naninirahan malapit sa ilog. Sapilitang lumikas ang mga residente sa takot na malubog at matangay sa lakas ng tubig na umapaw mula sa Tumaga river. Ilan sa mga bahay ang inanod ng tubig baha. Mula kahapon, nakakaranas na ng malakas na buhos ng ulan ang buong lungsod, kaya kinansela ni Zamboanga City Mayor John Dalipe ang klase sa lahat ng eskwelahan. Samantala, ginamit na evacuation center ng LGU ang mga paaralan para agarang maibigay ang mga tulong na pagkain at mga medical attention sa mga pamilyang lumikas. Agad na tumugon ang rescue team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Local Government Unit (LGU) upang masagip ang mga residenteng na-trap sa kanilang mga tahanan.
Latest News