Logo
FEATURED

KLASE SA ILANG PAARALAN SA NEGROS OCCIDENTAL, SINUSPINDE DAHIL SA ULAN

Published Jan 11, 2023 03:48 PM by: CHRISTINE SEMILLANO

PLAY

KLASE SA ILANG PAARALAN SA NEGROS OCCIDENTAL, SINUSPINDE DAHIL SA ULAN

Nagdeklara ng suspensyon ng klase sa pribado at pampublikong paaralan ngayong hapon sa ilang lugar sa Negros Occidental dahil sa walang tigil na pag-ulan bunsod ng LPA. Sa huling ulat ng PAGASA, inalagay ang lalawigan ng Negros Occidental sa ilalim ng Heavy Rain Fall Orange Warning Level. Ilan sa mga lugar na nagsuspinde ng klase ay Bacolod City, Talisay City, Silay City, Bago City, Pontevedra, Isabela, Binalbagan, Pulupandan, Calatrava, Candoni, San Carlos City, Valladolid, Don Salvador Benedicto, Victorias City, Himamaylan City, Murcia, Escalante City, Sagay City, Manapla, EB Magalona, Cadiz City at La Carlota City. Kasalukuyan namang binabantayan ng mga awtoridad ang malalaking ilog sa lalawigan dahil sa nakitang pagtaas ng lebel ng tubig.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News