Logo
FEATURED

10 BIKTIMA NG LPA SA BANSA, NAITALA NG OCD

Published Jan 11, 2023 05:29 PM by: NET25 News

PLAY

10 BIKTIMA NG LPA SA BANSA, NAITALA NG OCD

Iniulat ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) na sampung indibidwal ang namatay sanhi ng pagkalunod dahil sa patuloy na buhos ng ulan sanhi ng umiiral na low pressure area (LPA) na nananalasa sa bansa mula Enero 2, 2023. Base sa report ng OCD, nasa 291,826 katao o 69,308 pamilya ang naapektuhan ng LPA sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Bangsamoro Region. Sa nasabing bilang, 3,224 katao o 784 pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers. Apat na indibidwal din ang iniulat na nasugatan dahil sa LPA. Umabot na sa P11,931,324 halaga ng tulong ang naipamahagi sa mga apektado ng LPA. Nakapagtala ang OCD ng P15,066,260 halaga ng pinsala sa imprastraktura at P111,738,324.31 halaga ng pinsala sa agrikultura. Inilagay din sa state of calamity ang Tubod Lanao del Norte. Sa kabuuan, umakyat na sa 487 kabahayan ang nasira dahil sa tubig-baha. Dahil sa walang tigil ng buhos ng ulan, binaha ang mga mabababang lugar sa Butuan City at Agusan del Norte.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News