3 SUGATAN SA PAG-ARARO NG JEEP
Published Jan 13, 2023 06:21 PM by: NET25 News
Tatlo katao ang malubhang nasugatan matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep ang mga nasa kabilang lane sa Brgy. Pasong Putik, Farview, Quezon City, Miyerkules ng gabi. Sapol sa kuha ng CCTV ang humaharurot na jeep at bumangga sa barrier sa kalsada hanggang sa tumawid sa kabilang lane at masapul ang isang motorcycle rider bago bumangga sa pader. Tumama sa semento ang ulo ng rider at nasapul din ng jeep ang dalawang katao na nakatayo sa bangketa. Bukod dito, niragasa rin ng jeep ang isang nakaparadang motorsiklo. Mabilis na tumakas ang hindi nakikilalang driver ng jeep matapos ang insidente..
Latest News