Logo
FEATURED

TULFO, PINATITIYAK SA DMW ANG HUSTISYA SA PINASLANG NA OFW SA KUWAIT

Published Jan 24, 2023 05:04 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

TULFO, PINATITIYAK SA DMW ANG HUSTISYA SA PINASLANG NA OFW SA KUWAIT

Hinimok ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Migrant Workers (DMW) na tiyakin na mabibigay ang hustisya sa overseas Filipino worker (OFW) na pinaslang sa Kuwait. Ginawa ni Tulfo, chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, ang pahayag sa ginanap na consultative meeting sa Senado. Sa naturang pulong, kinilala ang biktimang OFW na si Jullebee Ranara, 35 years old, na natagpuang sunog ang bangkay noong Linggo sa gitna ng isang disyerto sa Kuwait. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan 'Toots' Ople, ang suspek sa pamamaslang ay ang lalaking anak ng employer ni Ranara na ngayon ay arestado na ng Kuwaiti officials. Ang biktima na noong July 2022 lamang na-deploy sa Kuwait ay maraming beses na umanong sinaktan at pinagmamalupitan ng anak ng employer. Sinabi ni Ople na nakausap niya ang mga kaanak ng biktima at ayon sa mga ito ay nakausap pa nila noong Biyernes si Ranara pero pagsapit ng Sabado ay hindi na nila ito makontak. Naibahagi pa umano ni Ranara sa mga kamag-anak ang pananakit at pananakot na ginagawa sa kanya ng anak ng employer. Samantala, tiniyak naman ni Ople sa Senado ang agarang pagbibigay ng hustisya sa mga naiwang kaanak ng biktima.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News