Logo
FEATURED

PBBM, UMAASANG NAIPARATING NA KAY XI ANG NANGYARING INSIDENTE SA AYUNGIN SHOAL

Published Jan 24, 2023 04:00 PM by: NET25 News | 📷: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE FB

PBBM, UMAASANG NAIPARATING NA KAY XI ANG NANGYARING INSIDENTE SA AYUNGIN SHOAL

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginamit na ng gobyerno ang "mechanism" na iminungkahi niya sa China para sa open communication kasunod ng ulat na itinaboy ng Chinese Coast Guard (CCG) ang ilang mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal. “So we have immediately used that thing, that mechanism that I talked about na sinabi we can even immediately contact the Chinese government, and hopefully our counterparts on the other side can bring it to President Xi’s attention, this problem, and we have done that,” sinabi ng Pangulo sa panayam. “But it does not preclude us from continuing to make protest and continuing to send note verbales concerning this,” punto ni Marcos. Sinabi ng Pangulo na ito ay isang mahabang proseso dahil "it is something new," umaasa na ang magkabilang panig ay "can come to some kind of arrangement." Giit ni Marcos, ang Filipino fishing boats ay "not armed, and they won’t pose a threat to anyone." “So I think that is something that we can achieve in the near-term,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News