Logo
FEATURED

MASS SHOOTING SA LA, CALIFORNIA: 68-ANYOS PINOY, PATAY

Published Jan 24, 2023 03:30 PM by: NET25 News | 📷: AFP

MASS SHOOTING SA LA, CALIFORNIA: 68-ANYOS PINOY, PATAY

Kinumpirma na isang 68-anyos na Pinoy ang kabilang sa 11 katao na nasawi sa mass shooting sa isang dance hall sa Montery Park Los Angeles, California. Ayon kay Deputy Consul General Ambrosio Enciso, Philippine Consulate General sa Los Angeles nakilala ang nasawing Pinoy na si Valentino Alvero. Si Alvero ay positibo namang kinilala ng kaniyang mga kaibigan. Sinabi pa ni Enciso na ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay isang public dance hall kung saan nagaganap ang isang party na dinaluhan ng mga nasa edad na late or mid 60s. Posibleng ang party umano ay dinaluhan ng mga magkakamag anak. Gayunman, hindi pa inilalabas ang pangalan ng iba pang biktima hanggang hindi sila positibong kinikilala ng kanilang mga kamag-anak. Inaalam pa ng mga awtoridad sa Los Angeles, California kung ano ang motibo ng suspek na kinilalang si Huu Can Tran,72 sa pamamaril gamit ang isang semi-automatic pistol. Lumipat pa umano sa ibang dance studio ang suspek subalit isang lalaki ang maagap na nakipag agawan ng baril kay Tran kaya napigilan itong makapamaril ulit. Makalipas ang ilang oras patay na rin nang matagpuan ang suspek sa loob ng kanyang puting van matapos magbaril sa sarili.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News