Logo
FEATURED

NAIA HINDI ISASAPRIBADO -MARCOS

Published Jan 24, 2023 04:00 PM by: NET25 News | 📷: Office of the President FB

NAIA HINDI ISASAPRIBADO    -MARCOS

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang balak na isulong ang pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Taliwas ito sa unang naging pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na plano ng administrasyong Marcos na isapribado ang operasyon ng NAIA. “We have no plans of privatizing...There’s no plan to privatize anything. Rather, we do the opposite,” ani Marcos sa panayam ng ilang mamamahayag sa Malacañang. Sinabi pa ng Pangulo na posibleng na- “misinterpreted” lamang si Bautista sa kanyang pahayag tungkol sa NAIA. Ipinaliwanag pa ni Marcos na hindi maaaring gawing pribado ang isang paliparan. “But you cannot privatize an airport to begin with. They cannot own the airport. A private firm cannot own the airport,” ani Marcos. Pero inihayag nito na balak ng gobyerno na kumuha ng isang pribadong kumpanya upang pamahalaan ang trapiko katulad ng sa mga malalaking paliparan sa mundo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News