PAGBIYAHE NI PBBM NGAYONG 2023, LILIMITAHAN
Published Jan 24, 2023 04:30 PM by: NET25 News | 📷: OFFICE OF THE PRESIDENT FB
Balak bawasan ni Pangulong Marcos na bawasan ang bilang ng mga biyahe sa ibang bansa ngayong taon. “Yung mga biyahe medyo babawasan na namin for the rest of the year,” ani Marcos. Sinabi ni Marcos na kailangan nilang i-follow up ang mga napag-usapan at kasunduan sa mga nauna niyang biyahe. “Ang dahilan ay kailangan namin balikan lahat ng itong mga nasimulan sa ASEAN, sa APEC, sa China, pati ‘yung pagpunta sa EU, sa Brussels, tapos itong biyahe dito sa Davos ay kailangan namin idetalye ‘yung aming pinag-usapan,” ani Marcos. Aminado si Marcos na hindi nila mapa-prioritize ang mga kailangan unahin kung biyahe sila ng biyahe. Ilang beses nang pinuna ang Pangulo dahil sa dami ng biyahe sa labas ng bansa buhat noong maupong presidente , pinakahuli nga rito ang biyahe niya sa Davos, Switzerland.
Latest News