Logo
FEATURED

BENTAHAN NG SIM CARD, TUMUMAL

Published Jan 24, 2023 04:30 PM by: NET25 News | 📷: PNA

BENTAHAN NG SIM CARD, TUMUMAL

Naging matumal na umano ang bentahan ng SIM cards sa merkado. Ito ay sa gitna ng pagpapatupad sa mandatory SIM card registration law sa bansa. Hindi naman nagbigay ng eksaktong numero si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy ngunit sinabing, "Since nag-announce tayo nito, bumagsak ang bentahan ng SIM Cards dahil dati itong mga scammers, itong mga sindikato, bili nang bili ng SIM card tapos tapon." "Ngayon alam nilang 'di na nila magagawa 'yun so bumagsak ang bentahan ng SIM Cards, which we anticipated that will happen," ayon pa kay Uy, sa isang pulong balitaan kahapon. Aniya pa, mas kakaunti na ring SIM cards ang ipagbibili matapos ang pagtatapos ng registration period. Magugunitang Disyembre 27, 2022 nang simulan ang pagrerehistro ng mga SIM card sa bansa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News