Logo
FEATURED

LABI NG PINAY NA PINATAY, SINUNOG SA KUWAIT, MAIPAPAUWI AGAD -OPLE

Published Jan 24, 2023 04:00 PM by: NET25 News | 📷: PNA

LABI NG PINAY NA PINATAY, SINUNOG SA KUWAIT,  MAIPAPAUWI AGAD -OPLE

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople na agarang maipauuwi sa bansa ang mga labi ng Pinay OFW na brutal na pinatay sa Kuwait. Itong pagtiyak ay ginawa ni Ople sa pagdalo niya sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs ni Senate Majority leader Joel Villanueva. Magugunitang ang OFW na si Jullebee Ranara, 35, ay natagpuan noong Linggo sa isang disyerto sa naturang bansa na patay at sinunog pa ang katawan. Idinagdag pa nito na, wala silang nakikitang dahilan para ma-delay o mabinbin pa ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima dahil nasa kustodiya na ng mga awtoridad sa Kuwait ang suspek sa krimen na 17-anyos lang at anak ng employer ni Ranara. Naging mabilis naman umano ang pagkilos ng pamahalaan para asikasuhin ang kaso ni Ranara dahil sa loob lang ng 24 oras ay hawak na agad ng Kuwaiti police ang pangunahing suspek. Naniniwala rin si Ople na hindi pa kinakailangan sa ngayon ang deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait sa kabila ng nangyaring karumal-dumal na pagpatay kay Ranara.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News