Logo
FEATURED

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA MADAMONG LUGAR

Published Jan 24, 2023 04:30 PM by: NET25 News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA MADAMONG LUGAR

Isang 29-anyos na lalaki na umano’y miyembro ng isang grupo ang natagpuang patay sa isang madilim at madamong lugar sa Antipolo City Lunes ng gabi. Nakilala ang biktima na si Enrico Cruz, na nagtamo ng matinding sugat sa ulo, na hinihinalang dulot nang pagpalo ng matigas na bagay. Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa madilim at madamong lugar sa Phase 2, Steel Homes, Brgy. San Luis, Antipolo City. Isang concerned ang nakakita sa bangkay kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad. Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay miyembro ng isang kilalang grupo, na nagpaplanong magtayo ng kaniyang sariling chapter. Huli umanong nakitang buhay ng kaniyang mga kaanak ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi nang magpaalam na magtutungo sa isang coffee shop upang makipagkita sa kaniyang mga katropa. May nakakita pa umano sa biktima na iginarahe ang dalang motor sa guard house sa labas ng isang subdivision ngunit hindi na ito nakauwi pa nang buhay. Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at ang mga posibleng dawit sa krimen.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News