Logo
FEATURED

ELECTION POLLS SA MGA MALLS?

Published Jan 25, 2023 10:24 AM by: NET25 News|📷 COMELEC

ELECTION POLLS SA MGA MALLS?

Pinag-iisipan ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘mall voting’ para sa lahat ng uri ng eleksyon—presidential, mid-term, o senatorial, para mas maginhawa ang pagboto ng 65 milyong botante ng bansa. Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na ang layunin nito ay upang maiwasan ang mahabang pila at matagal na paghihintay sa pagboto. “Soon, we might have what we will call as ‘Mall Voting’ so that voters will no longer queue up for long, long lines under the scorching heat of the sun, and our schools will be spared of such (electoral) activity,” pahayag ni Garcia. Kaugnay ng “Register Anywhere Project”, siniguro din ni chairman Garcia na ang mga personal data ng mga botante ay protektado. Hindi na kinakailangan lumuwas o umuwi ng probinsya upang makapagparehistro. “We assure you that all personal data will be protected, from the House to the Comelec, to the province or the municipality where you intend to cast your vote. We will always guarantee that your names will always be posted,” saad ni Garcia. Sa naging report ng Comelec, nakuha na nito ang projected 1.5 million rehistradong botante para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre. Pinaalala rin ng Comelec na hanggang sa katapusan na lamang ng Enero ang huling araw ng pagpaparehistro at binigyang-diin na hindi na ito mag-eextend. Dagdag pa rito na noong Jan. 22, naitala ang 7,555 ang nagparehistro sa Register Anywhere Project booths sa buong NCR. Samantala, 442,330 naman ang bilang ng mga bagong rehistrado na nasa edad 15 – 17.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News