Logo
FEATURED

MANGINGISDA (PROTESTA VS. CHINA)

Published Jan 25, 2023 10:27 AM by: NET25 News|📷 PCG

PLAY

MANGINGISDA (PROTESTA VS. CHINA)

Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na maghahain ang bansa ng protesta laban sa China kaugnay ng ulat na pinalayas ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na iniimbestigahan nito ang isang insidente na kinasasangkutan ng isang sasakyang pandagat ng mga Tsino na umano'y itinaboy ang isang bangka ng mga Pilipino noong nakaraang buwan. Nangyari ang insidente ilang linggo lamang matapos magkasundo sina Marcos at Chinese President Xi Jinping sa isang "compromise" agreement noong Enero sa ginawang state visit ng Pangulo sa Beijing, China. Sa pagbisita ng Pangulo, nilagdaan ng dalawang bansa ang isang kasunduan na nagtatatag ng joint direct communication mechanism. "We have immediately used that mechanism that I talked about na sinabi we can even immediately contact the Chinese government and hopefully our counterparts on the other side can bring it to President Xi's attention, this problem, and we have done that," aniya ng Pangulo. Binigyang-diin pa ng Pangulo na hindi ito nangangahulugan na titigil na sa protesta at sa pagpapadala ng note verbale hinggil sa nangyaring paghaharang sa mga mangingisdang Pinoy. "I just hope we can come to some kind of arrangement because I cannot see the utility for the Chinese of doing that. These fishing boats are not armed. They don't pose a threat to anyone. So I think that is something that we can achieve in the near term," ani PBBM. Ayon sa report mga ulat ang Chinese Coast Guard vessel 5204 at isang speed boat ang tumaboy sa mga mangingisdang Pinoy palayo sa Ayungin Shoal, na nasa 100 nautical miles mula sa Palawan. Malapit din ang shoal sa Mischief Reef, isang lugar sa West Philippine Sea na sinasabing inookupahan ng China. "Let me clarify what we talked about with President Xi. It was very simple. I said we have to raise the level of discourse between the Philippines and China,” saad ng Pangulo. Ang Pilipinas at China ay matagal nang maritime dispute dahil inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea, na isang bahagi nito ay pinalitan ng pangalan na West Philippine Sea. Nakuha ng Pilipinas ang tagumpay laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands noong 2016. Idineklara ng arbitration court na ilegal ang paghahabol ng Beijing sa halos buong South China Sea. Tumanggi ang China na kilalanin ang desisyon at patuloy na tinatawag ang halos buong South China Sea bilang sarili nito. Ang Pilipinas ay may karapatan na gamitin ang sovereign rights at jurisdiction sa Ayungin Shoal nang walang anumang interbensyon mula sa ibang bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News