Logo
FEATURED

PAGBOTO SA SHOPPING MALLS, MAAARI –COMELEC CHAIR

Published Jan 25, 2023 03:23 PM by: NET25 News

PAGBOTO SA SHOPPING MALLS, MAAARI   –COMELEC CHAIR

Magandang ideya at kinokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng voting precincts sa mga shopping malls sa bansa tuwing araw ng halalan. Ipinahiwatig ito kaninang umaga, Miyerkules, ni Comelec Chairman George Garcia sa ceremonial launch ng Register Anywhere Program (RAP) site sa House of Representative complex sa Batasan Pambansa, Quezon City. Ayon kay Garcia, tutuklasin at aaralin mabuti ng Comelec na gamitin voting sites ang mga malalaking shopping malls upang maging maginhawa ang pagboto ng mga botante at hindi na maabala ang mga pampublikong paaralan. Inilahad ni Garcia na kapag napatunayan ng Comelec na naging matagumpay at epektibo ang RAP project, susunod na tutuklasin nila ang posibilidad na pagboto sa loob ng mga mall. Binigyan diin ni Garcia na kung kakayanin ng pondo at matagumpay na naisagawa ang RAP sa mga rehiyon at malls sa bansa, maaari na gamitin pilot testing ang mall voting sa 2023 Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BSKE). Aminado si Garcia na maginhawa at kumbinyente sa mga kababayan kapag ginawa sa malls ang pagboto sa araw ng eleksyon dahil air condition sa loob.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News