Logo
FEATURED

SMUGGLERS AT KARTEL SINASAMANTALA ANG MGA MAGSASAKA

Published Jan 25, 2023 03:55 PM by: NET25 News | 📷: PNA

SMUGGLERS AT KARTEL SINASAMANTALA ANG MGA MAGSASAKA

Kinumpirma ngayon ni House Ways and Means chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na totoong sinasamantala ng mga agricultural products smugglers at kartel ang kahinaan ng mga magsasaka upang pagkakitaan. Ayon kay Salceda, ang malinaw na problema sa pagtaas ng agricultural produce tulad ng sibuyas ay napipilitan ang onion farmers na ibenta ang kanilang ani sa mababang halaga dahil sa loob ng tatlong araw ay nagsisimula na itong mabulok. Dahil dito, binabarat sila ng mga smugglers at tiwaling traders. Kapag nabili ng mga ito sa murang halaga ang mga produkto ay dadalhin sa kakutsabang cold storage para iimbak. Isa rin nakitang problema ni Salceda ay kapag hindi naglabas ng import permit ang Department of Agriculture (DA) ay iniipit ng smugglers at kartel ang supply ng anumang produktong hawak nila upang magkaroon ng shortage at makontrol ang presyo ng produkto sa mga pamilihan. Iminungkahi ng Albay solon na kailangan dagdagan ang cold storage facility para sa magsasaka upang hindi napilitan na ibenta ng palugi ang mga ani sa naglipanang kartel. Kumpiyansa rin si Salceda na kayang solusyunan ang mataas na presyo ng sibuyas sa bansa kung matataniman ang dagdag na 5,700 na ektarya ng lupain, na halos kasing laki lang ng Caloocan City. “The country’s onion supply deficit is about 22.1% of total demand, or about 80,700 tons out of total demand of 363,000 tons. Just produce 5 more tons per hectare, or plant 5,700 hectares more of onion, and you’re essentially good. That’s just a bit over the size of the city of Caloocan City, and your entire onion self-sufficiency is addressed,” paliwanag ng mambabatas.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News