Logo
FEATURED

CAYETANO, UMAPELA SA GOBYERNO NA MAGLATAG NG POLISIYA VS COVID-19

Published Jan 25, 2023 03:56 PM by: NET25 News

CAYETANO, UMAPELA SA GOBYERNO NA MAGLATAG NG POLISIYA VS COVID-19

Hiniling ni Senator Pia Cayetano sa Senate Committee on Health na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa estado ng pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19. Sa kanyang privilege speech, nanawagan si Cayetano sa gobyerno na maglatag ng mga polisiya at regulasyon ukol sa patuloy na paglaban sa COVID-19. Iginiit ni Cayetano na nag-expire na ang deklarasyon ng public health emergency na batayan ng implementasyon ng mga programa para sa COVID-19. Bagama't posible nang i-lift ang deklarasyon sa COVID-19 bilang public health emergency, binigyang-diin ng World Health Organization na dapat magpatuloy ang surveillance at monitoring. Ayon pa kay Cayetano, dapat may mga malinaw na polisiyang sundin lalo na sa vaccination program, allowances ng mga healthcare workers, paggamit ng quick response fund at iba pang usapin. Idinagdag ng mambabatas na dapat ding may mga malinaw nang natutunan ang bansa sa virus na ito at maging handa na sa susunod pang pandemya.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News