Logo
FEATURED

DOLE HINILING NA AKSYUNAN ANG DUMARAMING “AMBULANCE CHASERS” NA BUMIBIKTIMA NG SEAFARERS

Published Jan 25, 2023 04:00 PM by: NET25 News | 📷: ATTY. MIGS NOGRALES FB

DOLE HINILING NA AKSYUNAN ANG DUMARAMING “AMBULANCE CHASERS” NA BUMIBIKTIMA NG SEAFARERS

Nanawagan si House assistant majority leader at Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Representative Margarita Nograles sa Department of Labor and Employment (DOLE) na tutukan at panagutin ang nagkalat na ‘ambulance chaser’ sa bansa. Ang ambulance chaser ay bansag sa mga labor lawyers na sinasamantala at ginagamit ang mga marino o seafarer para maghain ng money claims complaint sa tinatarget na manning agencies. Modus ng `ambulance chasing labor lawyers’ na maghanap ng mga seafarer at mag-aalok ng legal na tulong para sampahan ng kasong sibil ang mga manning company. Una na ng nanawagan ng tulong sa gobyerno ang Association of Licensed Manning Agencies (ALMA) Maritime Group para aksyunan ang naturang modus. Paalala ni Nograles na base sa Republic Act 10706 o Seafarers Protection Act, mahigpit na ipinagbabawal ang ambulance chasing o pag-solicit para makapag habla ng kaso laban sa mga employer para makakuha ng monetary claim o benefit. Ang mapatutunayang sangkot ay papatawan ng multang P50,000 hanggang P100,000 o kulong na isa hanggang dalawang taon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News