RAP NG COMELEC NASA KAMARA
Published Jan 25, 2023 04:02 PM by: NET25 News | 📷: PNA
Hinikayat ngayon ni House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez ang mga opisyal at kawani ng House of Representatives na samantalahin ang pagbubukas ng Register Anywhere Project (RAP) ng Commission on Elections na magparehistro para sa 2023 Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BSKE). Sa ginanap na ceremonial launching, pormal na binuksan ngayong Miyerkules ang [email protected] kung saan maaaring magpa-rehistro, reactivate at mag update ng impormasyon ang mga botante. Sa isinagawang MOU signing sa pagitan ng Kamara at COMELEC, pinuri ni Romualdez ang inobasyon ng poll body at tiniyak na kaisa nila ang Kamara para mas maraming botante ang magpapa rehistro. Ang House members, officials, employees, congressional staff at personnel ng attached agencies ay maaaring magparehistro simula ngayong araw hanggang bukas, January 26. Habang January 27 ang registration para sa kanilang dependents. Nagpasalamat naman si COMELEC Chair George Erwin Garcia sa pagiging bukas ng kongreso sa programa. Ayon kay Garcia, simula pa lamang ito ng programa at asahan na sa susunod ay bubuksan na rin ang RAP nationwide. Magugunita na December 12, 2022 ng umpisahan ng Comelec ang voters registration at magtatapos sa January 31 bilang paghahanda sa 2023 BSKE.
Latest News