LAGMAN NATUWA NA HINDI GAGAMITIN ANG DIBIDENDO NG GOCCS SA MIF
Published Jan 25, 2023 04:05 PM by: NET25 News | 📷: EDCEL LAGMAN FB
Bahagyang natuwa at pinasalamatan ni independent minority at Albay 1st District Representative Edcel Lagman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pahayag nito na hindi dapat gamitin ang dibidendo ng mga government owner and controlled corporations (GOCCs) na gamiting pondo sa Maharlika Investment Fund (MIF). Hinirit ni Lagman na huwag na ring isama ng Pangulo bilang fund contributors ang Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP). Paalala ni Lagman, nakasaad sa Dividends Law, kailangan i-remit ng mga GOCC ang 50% ng kanilang kita sa pamahalaan bilang budgetary support sa national budget. “I am happy and thankful that President Ferdinand Marcos, Jr. agrees with my position that the GOCC dividends should not be utilized as seed money for funding the Maharlika Investment Fund (MIF) because these dividends are traditionally and legally used as additional revenues to finance the GAA, more particularly basic socio-economic services on health, education, food security, employment generation, and infrastructure development. With the President’s aforesaid confirmatory statement, contributions from the LBP and the DBP, both GOCCs, must also be removed as funding source,” pahayag ni Lagman. Iginiit din ni Lagman na ang kontrobersyal na sovereign wealth fund ay pagmamay-ari at nasa ilalim ng kontrol ng gobyerno at hindi dapat ilagay sa isang Initial Public Offering (IPO) tulad ng binanggit ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda. Inamin ng solon na lumiham siya kay House Speaker Martin Romualdez para malaman kung in-adopt ng Kamara ang bagong MIF upang i-recall ang inaprubahang bersyon na nasa Senado.
Latest News