EXCLUSIVE MOTORCYCLE LANE SA COMMONWEALTH AVENUE, LALARGA SA PEBRERO
Published Jan 25, 2023 05:52 PM by: NET25 News | 📷: MMDA
Inaasahang sa kalagitnaan ng Pebrero ay maipapatupad na ang exclusive lane para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, sa Quezon City. Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development authority (MMDA) Chairman Romando Artes. Sa kasalukuyan, aniya, ay tuloy-tuloy pa ang pag-set-up ng motorcycle lane na maaari nang makumpleto sa kalagitnaan ng Pebrero ngayong taon. "We don’t want to start it na hindi kumpleto iyong mga road signages natin at lane markings, para walang excuse iyong mga motorista na mag-violate ng mga exclusive lanes na ito," dagdag pa ni Artes. Ang nasabing special lane ay naglalayong bawasan ang bilang ng mga aksidente at mapabuti ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue, dagdag pa niya. Ayon sa MMDA, 24,000 motorcycle-related accidents ang naitala noong 2022, kung saan 258 ang nagresulta sa pagkamatay. Sa posibleng pagkakaroon din ng iba pang exclusive motorcycle lane, sinabi ni Artes na pinag-aaralan pa kung saan maari itong ipatupad dahil ikinukunsidera rito na ang pagbabawas ng lane ay nakadaragdag ng pagbigat ng trapiko.
Latest News