Logo
FEATURED

HELPER PATAY SA DUMAGANG SAKU-SAKO NG BULAK

Published Jan 25, 2023 05:57 PM by: NET25 News

HELPER PATAY SA DUMAGANG SAKU-SAKO NG BULAK

Isang helper ang nasawi nang mabagsakan ng nasa 180 kilo ng bulak, habang ibinababa ang mga ito mula sa container truck sa Novaliches, Quezon City, noong Martes. Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Salic Polao Olama, 39, ng Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City dahil sa insidente. Dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa kompanya ng bulak na matatagpuan sa Atlas Road, P. Dela Cruz St., Brgy. San Bartolome, Novaliches. Nabatid na magkatuwang na binuhat nina Olama at kasama niyang si John Lester Sabulao Aniano ang ilang bungkos ng mga bulak mula sa container truck upang ibaba ang mga ito. Gayunman, bumigay ang mga nakahilerang sako ng bulak na tumitimbang ng may 180 kilo at aksidenteng bumagsak sa ulo ng biktima. Bumulagta umano ang biktima at nawalan ng malay kaya't isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News