Logo
FEATURED

ISKUL SA QC, NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

Published Jan 25, 2023 06:00 PM by: NET25 News

ISKUL SA  QC, NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

Isa na namang paaralan sa Quezon City ang nagkansela ng klase nitong Miyerkules dahil sa bomb threat. Napilitan ang pamunuan ng San Francisco High School, sa Misamis St., Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay, QC, na pauwiin ang kanilang mga estudyante at mga guro dahil sa natanggap na bomb threat at sa nakitang isang abandonadong bag dakong ala-1:00 ng hapon. Ayon kay Gng. Cristina Palma David, assistant principal ng paaralan, nakatanggap siya ng chat message mula sa messenger mula sa isang John Keven Mangahas, na nagsasabing, "May mga teroristang nakapasok sa school nyo, at naglagay sila ng mga bomba sa mga building. Paalisin nyon na lahat ang nga estudyante bago pa yan sumabog. Madami mamamatay na kabataan." Kasunod naman nito, ay nakadiskubre naman ang isang guro ng isang abandonadong bag malapit sa hagdan ng paaralan sa 3rd floor ng Senior High School Building. Kaagad namang ininspeksiyon ng mga awtoridad ang bag na iniwan sa loob ng paaralan, gayundin ang paligid nito. Ayon sa QCPD, wala naman silang nakitang bomba matapos ang isinagawang inspeksiyon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News