ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO ASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO
Published Feb 04, 2023 06:46 PM by: NET25 News
May aasahang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo. Ito'y matapos ang tatlong linggong sunud-sunod oil price hike. Base sa tantiya ng ilang kompanya ng langis posibleng hanggang P2.20 kada litro ang ang ibaba sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. Sinabi ng ilang oil players, ang presyo ng diesel ay inaasahang magkakaroon ng malaking pagbaba na aabot ng P2.60 hanggang P3 kada litro. Ang presyo ng gasolina ay maaaring bumaba naman ng P1.80 hanggang P2.20 kada litro, at P2.40 hanggang P2.80 kada litro ang ibababa ng presyo ng kerosene. Nitong nakalipas na tatlong linggo, tumaas ang presyo ng gasolina matapos na paluwagin ng China ang kanilang zero-COVID policy, na nagresulta upang tumaas ang demand sa langis.
Latest News