PINAS AT US NAGKASUNDO NA BUHAYIN ANG JOINT NAVAL PATROL SA SOUTH CHINA SEA
Published Feb 04, 2023 06:59 PM by: NET25 News|📷 PCO
Inihayag ng Pilipinas at Estados Unidos na nagkasundo ang dalawang bansa na muling magsagawa ng joint naval patrols sa South China Sea. Bahagi ito ng pagbibigay ng Pilipinas sa Amerika na magkaroon ng malawak na access sa mga miltary bases ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). "The United States and the Philippines have agreed to restart joint patrols in the South China Sea as the longtime allies seek to counter China's military rise," ayon sa US Defense Department. Ang joint maritime patrols ay magugunita na sinuspinde sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa pagbisita sa Pilipinas ni US Defense Secretary Lloyd Austin, inihayag nito na siya at si Defense Secretary Carlito Galvez ay "agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address (security) challenges." Inanunsyo rin nina Austin at Galvez ang isang kasunduan na bigyan ang tropa ng Amerika ng access sa apat pang bases sa "strategic areas" sa Southeast Asian nation. Ang mga kasunduan ay bunsod na rin ng hangarin ng dalawang bansa na kumpunihin ang ugnayan na napilay sa ilalim ng Duterte administration, na sinasabing pinaboran ang China kaysa sa dating colonial master ng bansa.
Latest News