PHILIPPINE ARMY, MAKIKINABANG SA PAGBISITA NG UK DEFENSE ATTACHE
Published Feb 04, 2023 07:20 PM by: NET25 News|📷 PH ARMY FB
Kumpiyansa ang Philippine Army (PA) na lalawak ang ugnayan ng United Kingdom partikular sa land domain training at edukasyon kasunod ng pagbisita ni UK’s defense attaché to the Philippines, Group Captain Beatrix VH Walcot. Ayon kay PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad, bumisita si Walcot kay Army vice commander Brig. Gen. Steve D. Crespillo sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio noong Biyernes. "Brig. Gen. Crespillo, who represented Army chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr., and Group Captain Walcot discussed forging closer security and defense ties between the two nations. The two leaders also tackled bolstering areas of collaboration in the land domain, such as military training and education," pahayag ni Trinidad. Matatandaang nakatanggap ang PA Scout Rangers ng Silver Medal citation sa pre-pandemic Exercise Cambrian Patrol (Ex CP) 2019 na ginanap sa Wales, UK. Ang Ex CP na itinuturing na premier patrolling event ng British Army ay kinapapalooban ng mission-focused at scenario-based exercises na naglalayong pataasin pa ang operational capabilities ng mga kalahok. Kamakailan ay itinalaga ng British government ang resident defense attaché to the Philippines sa British Embassy sa Manila mula sa dating Brunei-based non-resident attaché. Ang pagbabagong ito ay alinsunod sa British government's 2021 Integrated Review of Foreign and Security Policy kung saan sila nag-shift ng strategic direction sa Indo-Pacific region.
Latest News