Logo
FEATURED

MALL VOTING TETESTINGIN NG COMELEC PARA SA 2023 BSKE

Published Feb 04, 2023 07:26 PM by: NET25 News

MALL VOTING TETESTINGIN NG COMELEC PARA SA 2023 BSKE

Inaresto ng pulisya ang nagpakilalang sales clerk nang mabisto na hindi totoong hinoldap ang pinagtatrabahuhan na Liquified Petroleum Gas (LPG) store sa Esperanza, Agusan del Sur. Kinilala ang suspek na si Banjo Valles, 27 anyos, sales clerk at residente ng Purok 4, Brgy. Mahayahay, Sibagat, Agusan del Sur. Nakatakdang magsagawa ng pilot testing ang Commission on Elections (Comelec) para subukan kung uubra ang mall voting sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na maaari ding maisagawa ang mall voting dahil nagawa na magkaroon ng mall registration sa pamamagitan ng Register Anywhere Project (RAP). Sa ngayon, tinitingnan nila ang mismong araw ng botohan at tukuyin ang mga barangay na posibleng makinabang sa mall voting. Paliwanag ni Laudiangco, hindi dapat malayo sa mga barangay ang mga voting sites kaya kung magkakaroon man ng mall voting ay mapapakinabangan ito ng mga Barangay na malapit sa mall.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News