Logo
FEATURED

LIBRENG LEGAL EDUCATION SA SUCS ISINULONG

Published Mar 15, 2023 04:48 PM by: NET25 News

LIBRENG LEGAL EDUCATION SA SUCS ISINULONG

Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga nais mag-abogado pero walang pantustos dahil makakakuha na sila ng libreng edukasyon sa batas sa mga State Universities and Colleges (SUCs ) sa bansa, kapalit ng pagtratrabaho sa gobyerno sa loob ng 2 taon kapag nakapasa na sila sa Bar Exams. Ito ay sakaling mapagtibay bilang batas ang House Bill (HB) 433 “Free Legal Education in SUCs“ ni 1st District Davao City Rep. Paolo Duterte. Sinabi ni Duterte na sa pamamagitan ng HB 433 ay matutugunan ang kakulangan sa mga abogado sa bansa para kumatawan sa mga Pilipinong nangangailangan o sa pangkalahatan ay ang pambansang sistema ng hustisya. Sa ilalim ng nasabing panukala ang lahat ng SUCs na may law program na accredited ng Legal Education Board (LEB) ay kuwalipikado para sa free legal eduction pero kailangang lumikha ng mekanismo na titiyak na hindi dito kabilang ang mga estudyanteng may sapat na kakayahang pinansiyal para suportahan ang kanilang pag-aaral.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News