Logo
FEATURED

HB 7393, PINAGTIBAY NA NG KAMARA

Published Mar 18, 2023 03:59 PM by: NET25 News|📷 PNA

HB 7393, PINAGTIBAY NA NG KAMARA

May paglalagyan na ang mga magnanakaw ng bank at e-wallet details. Ito ay matapos na pagtibayin ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act na magbibigay ng mabigat na parusa sa mga indibidwal at grupo na nasasangkot sa pagnanakaw ng mga detalye ng bank account at e-wallet. Sa ilalim ng panukala, ituturing na krimen at parurusahan ng financial crimes ang napatunayang sangkot sa money mule, paggamit ng social engineering scheme, at economic sabotage. Mahina ang anim na buwan hanggang anim na taon na pagkakakulong at/ o multa na P100,000 hanggang P200,000 ang kakaharapin ng mga money mule o yung mga nagnanakaw, kumukuha, tumatanggap, naglilipat, o nagwi-withdraw ng pera o pondo na nanggaling sa ginawang krimen. Ang mga sangkot naman sa social engineering scheme o panloloko o paggamit ng mga paraan na iligal sa pagkuha ng confidential o personal na impormasyon ng mga may-ari ng bank account o e-wallet, ay papatawan ng kulong na anim hanggang 12 taon at/o multang P200,000 hanggang P500,000. Kung sindikato ang gumawa nito, itinuturing itong economic sabotage na ang parusa ay habambuhay na pagkakakulong at multang P1 milyon hanggang P5 milyon. Kasabay nito ay bibigyang kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga paglabag, humingi ng cybercrime warrants at orders, at humingi ng tulong ng mga law enforcement agency sa gagawing pag-iimbestiga.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News