Logo
FEATURED

SEKRETARYA NG ALKALDE SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM SA SOUTH COTABATO

Published Mar 18, 2023 08:31 PM by: NET25 News|📷 POLOMOK MPS

SEKRETARYA NG ALKALDE SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM SA SOUTH COTABATO

Malubhang nasugatan ang dating konsehal at kasalukuyang sekretarya ni Polomolok Mayor Berni Palencia ng tambangan at barilin ng riding-in-tandem habang papasok sa Mayor’s Office Biyernes ng umaga. Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang biktimang si Rhyolite Agregado Balili, nasa hustong gulang at residente ng Polomolok, South Cotabato. Batay sa report ng Polomolok Municipal Police Station, lulan ang biktima ng kanyang sasakyan papasok sa gate 3 ng municipal government compound ng paulanan ng bala ng mga suspek. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa katawan at mabilis na nadala sa pagamutan habang tumakas naman ang mga suspek. Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Magugunita na Enero 2023, tatlong miyembro ng Civil Security Unit (CSU) ng Polomolok LGU ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi kilalang suspek at hanggang ngayon ay blangko pa rin ang pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News