Logo
FEATURED

PINAY TENNIS SENSATION ALEX EALA, PERSONAL NA NAKILALA ANG NBA COACH NA SI COACH ERIK SPOELSTRA

Published Mar 24, 2023 02:07 PM by: Cindy Bernardino|📷 MIAMI HEAT TWITTER

PINAY TENNIS SENSATION ALEX EALA, PERSONAL NA NAKILALA ANG NBA COACH NA SI COACH ERIK SPOELSTRA

Nagkita at nagkakila na ang parehong may pusong Pinoy na si tennis player Alex Eala at Miami Heat coach Erick Spoelstra sa backstage ng NBA Game ng Miami laban sa New York Knicks noong Huwebes sa Miami-Dade Arena sa Florida, U.S.A. Mainit ang naging pagtanggap ng Filipino-Americam mentor ng NBA sa teenage tennis superstar pagkatapos ng malaglag ni Eala sa Miami Open. Pinalakas ni Spoelstra ang loob ni Eala, aniya, huwag itong mawawalan ng pag-asa at patuloy na magsanay upang makamit ang mga pangarap sa international competition. Umaasa rin ang Fil-Am coach na makikita niya muli si Eala sa Miami Open sa susunod na taon. “Come through again in the Miami Open again next year and hit us up next,” ani Spoelstra kay Eala. Sa isang twiiter post ng Miami Heat, “coach spo… alex eala. Two of the Philippines’ finest” kasama ang uploaded photo at video ng pagkikita nina Eala at Spoelstra. Nakilala rin ng tennis player ang Team USA stalwart na si Bam Adebayo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News