PBBM, UMAASA SA PATULOY NA SUPORTA NG BRUNEI AT MALAYSIA SA MINDANAO
Published Mar 24, 2023 02:00 PM by: NET25 News | 📷: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE FB
Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng Brunei at Malaysia sa Mindanao. Kasabay nito, umaasa si Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng dalawang bansa ang development initiatives sa Mindanao. Noong Huwebes, malugod na tinanggap ng Pangulo sina Brunei Ambassador Megawati Dato Paduka Haji Manan at Malaysian Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony sa Malakanyang. “We have to thank Brunei for the assistance and support that we have been receiving in the southern Philippines, in the Muslim Autonomous Region, which have been big factor in what we think is going to be a successful Autonomous Region,” ani Marcos. “So again, I hope that Brunei continues to give our Muslim community in the Southern Philippines whatever opportunities are available because that is the best way to assert that having peace is to give a good life to the people, a life that they would like to deserve,” dagdag na pahayag nito. Bilang tugon kay Pangulong Marcos, sinabi ni Ambassador Manan na ang pagpapalakas sa kooperasyon sa southern region ay palaging pangunahing layunin ng Brunei dahil sa "commonalities" nito sa kanilang mga mamamayan. “And so we hope that we will branch out, you know, expand the existing cooperation to give some – a little bit more opportunities for the south side,” sinabi ni Manan. Binigyang-diin din nina Marcos at Manan ang kahalagahan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagresolba sa mga regional concerns gaya ng South China Sea issue at ang civil unrest sa Myanmar. Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang papel ng Kuala Lumpur sa paghahatid ng kapayapaan sa Southern Philippines, at inaasahan na patuloy itong makikilahok sa development ng Bangsamoro region. “It’s going to be very, very important because as long as we can provide... One of the complaints over the many, many years from the Muslim community in the Philippines was that they are underrepresented and underdeveloped. And they were absolutely right. So we are trying to fix that. We are trying to return a balance,” ayon kay Marcos.
Latest News