Logo
FEATURED

NATITIRANG KRUDO SA MT PRINCESS EMPRESS, IPAPAHIGOP -NDRRMC

Published Mar 24, 2023 04:50 PM by: NET25 News | 📷: PHILIPPINE COAST GUARD FB

NATITIRANG KRUDO SA MT PRINCESS  EMPRESS, IPAPAHIGOP   -NDRRMC

Balak na ipahigop ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang natitirang krudo mula sa lumubog na MT Princess Empress upang mapatigil ang pagtagas nito sa karagatan. Ayon sa NDRMMC, ito ang isa sa mga napag-usapan sa isinagawang full council meeting sa Camp Aguinaldo bilang tugon sa oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro. Nabatid na balak ng NDRMMC na umupa ng kontratista para higupin ang natitirang krudo sa lumubog na barko. Batay sa nakita ng Japanese Remotely Operated Vehicle (ROV) nakitang tumagas ang lahat ng walong compartment sa lumubog na barko na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil. Hindi pa mabatid kung ilang litro pa ng krudo ang natitira sa loob ng mga tumatagas na compartment. Nabatid na prayoridad ngayon ng NDRRMC ang pagkontrata sa marine salvage company para sa bagging, sealing, at patching ng lahat ng tagas, at paghigop sa natitirang krudo

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News