Logo
FEATURED

PREPARATION PLAN NG DOE NGAYONG TAG-INIT, PINABUBUSISI SA SENADO

Published Mar 24, 2023 04:54 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

PREPARATION PLAN NG DOE NGAYONG TAG-INIT, PINABUBUSISI SA SENADO

Nais ni Senate majority leader Joel Villanueva na mabusisi ng Senado kung sapat ang preparasyon ng Department of Energy (DOE) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa maaaring pagnipis ng supply ng kuryente ngayong tag-init dahil na rin sa pagtaas ng demand nito. Sa Senate Resolution no. 556, binanggit ng senador na dapat na siguruhin ng gobyerno na sapat at tuluy-tuloy ang daloy ng kuryente lalo ngayong tag-init at sa tuwing may kalamidad. Sa hininging pagdinig ng Senador sa Committee on Energy, pinabubusisi niya ang long at short term plan, gayundin ang climate proof na estratehiya kapag nagkaroon ng power interruptions at kung paano ipino-promote ngayon ang pagtitipid sa kuryente. Tiniyak na rin umano ng DOE na walang rotational brownout ngayong tag-init subalit noon pang Pebrero ay mayroon nang nangyayaring ganito sa ilang lalawigan tulad ng Guimaras, Aklan, Capiz at Iloilo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News