MOTORISTANG PAPASOK SA MOTORCYCLE LANE SA COMMONWEALTH, HUHULIHIN NA SIMULA SA LUNES
Published Mar 24, 2023 04:56 PM by: NET25 News | 📷: MMDA FB
Sa darating na Lunes, Marso 27 ay sisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paghuli sa mga motoristang papasok ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ayon sa MMDA, sapat na ang panahon na ibinigay ng ahensiya para maintindihan ng mga motorista ang tungkol sa paggamit sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue. Sa isinagawang dry run dito, mayroong 18,869 motorista ang nasita sa motorcycle lane mula March 9 hanggang March 23. Kamakailan ay na-extend pa ng MMDA ng isang linggo ang dry-run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue upang bigyang-daan ang isinasagawang road patch works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing kalsada upang patuloy at lubos na maintindihan ng mga motorista ang pagkakaroon ng naturang lane sa nabanggit na lugar.
Latest News